Add parallel Print Page Options

28 Na nangagsisigawan, Mga lalaking taga Israel, magsitulong kayo: Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan, at (A)sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa sa rito'y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo, at (B)dinungisan itong dakong banal.

29 Sapagka't nakita muna nila na kasama niya sa bayan si (C)Trofimo taga Efeso, na sinapantaha nilang ipinasok ni Pablo sa templo.

30 At ang buong bayan ay napakilos, at ang mga tao'y samasamang nagsipanakbuhan; at (D)kanilang sinunggaban si Pablo, at siya'y kinaladkad na inilabas sa templo: at pagdaka'y inilapat ang mga pinto.

Read full chapter